Mahigit sa 600 gymnast mula sa pitong bansa ang inaasahang dadayo at maglalabu-labo para sa mga pangunahing karangalan sa pagsikad ng 1st PGAA-STY Gymnastics International Championships 2016 sa Oktubre 15-16 sa Muntinlupa City Sports Center.

Kakatawan sa Pilipinas ang kabuuang 220 gymnastics clubs na makakasalpukan ang mga pambato ng Singapore, Indonesia, Thailand, Malaysia, India at Sri Lanka.

Ang mga nagnanais sumali ay pinaaalalahanan na magparehisto at alamin ang iba pang mga detalye: 0917 628 1635 o kay Jojo Pupos sa 0917 527 0212at 8744626.

Palagiang sumasali ang PGAA-STY sa mga kumpetisyon sa bansa gaya ng Philippine Cup at sa ISM Goodwill Meet at maging sa abroad tulad sa Prime Gymnastics International Invitational-Singapore, Bangkok Moose Games-Thailand, Hong Kong, Synergy-Malaysia, Gavrila at NIST na parehong sa Indonesia. (Angie Oredo)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!