Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- Adamson vs UP

4 n.h. -- UST vs FEU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sisikaping palawigin ng defending champion Far Eastern University ang nasuwag na winning streak, habang tatangkain ng host University of Sto. Tomas na putulin ang pagdausdos kanilang muling pagtatagpo ngayon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament second round sa MOA Arena.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Inaasahang mahihirapan ang Tigers na makaahon sa kinasadlakang four-game losing skid dahil sa matikas na pamamayagpag ng Tamaraws, kabilang ang back-to-back win kontra sa NU Bulldogs.

Tatangkain ng Tamaraws na maulit ang 71-61 panalo saTigers sa first round para sa rematch ng nakaraang season finals.

Mauna rito, magtutuos ang Adamson University at University of the Philippines ganap na alas-2:00 ng hapon.

Target ng Maroons na maiposte ang unang winning streak kontra sa Falcons, matapos masungkit ang magkasunod na panalo, tampok ang 56-52 desisyon laban sa Ateneo. (Marivic Awitan)