NUMANCIA, Aklan - Isang barangay kagawad ang naaresto ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa bayang ito sa Aklan.

Nakumpiskahan si Aldin Ureta, 36, kagawad ng Barangay Poblacion, Numancia, ng ilang sachet ng hinihinalang shabu, marked money at mga personal na gamit.

Sinabi naman ni Ureta na magsasampa siya ng reklamo sa korte dahil binugbog umano siya ng pulis na umaresto sa kanya.

Itinanggi naman ni Senior Insp. Keenan Ruiz, hepe ng Numancia Police, ang akusasyon at sinabing sinubukang tumakas si Ureta kaya nagkasugat ito sa panlalaban. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder