Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena0

12:30 n.h. -- 100Plus vs IEM (Turf)

4 n.h. -- Laoag vs Air Force

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6 n.g. -- BaliPure vs Customs

Masusubok ang kagitingan ni Alyssa Valdez sa kanyang pagsabak bilang team captain ng Bureau of Customs kontra BaliPure na binubuo ng mga dating kasangga sa Ateneo sa pagbabalik aksiyon ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference ngayon sa Philsports Arena sa Pasig.

Tatangkain ni Valdez na mahila ang Transformers sa ikalawang dikit na panalo, habang nagkukumahog ang Water Defenders matapos mabigo sa nangungunang University of Santo Tomas.

Liyamado ang Customs sa laro ganap na 6:00 ng gabi.

Bukod kay Valdez, sasandigan ang Transformer nina Thai import Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen na kapwa nakakuha ng kanilang International Transfer Certificates.

Kasabay nito ang desisyon na palaruin sina Pau Soriano at Lillet Mabbayad na kapwa pinagmulta at pinatawan ng banned ng karibal na Philippine Super Liga kung saan may nalalabi pa silang kontrata.

Aasahan naman ng BaliPure ang mga import na sina Katherine Morrell at setter Kaylee Manns.

“We will always be teammates by heart. Nothing will change. We’ll try to make it different,” pahayag ni Amy Ahomiro, patungkol kay Valdez.

Mauuna rito,maghihiwalay ng landas ang Team Laoag at Air Force, na kapwa may barahang 1-1 kapantay ng Pocari Sweat sa kanilang pagtutuos ganap na 4 :00 ng hapon.

Samantala, sa Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference, maghahangad naman ang Instituto Estetico Manila na masundan ang five-set win kontra Champion Supra sa paghaharap sa wala pang panalong 100 Plus ganap na 12:30 ng hapon. (Marivic Awitan)