jaya-2-copy-copy

HINDI na pinansin ni Jaya ang mga pasabog o sama ng loob sa kanya na inilabas sa media ng kanyang half-sister na si Susan Ramsey na dumating mula sa US para sa paggunita sa first death anniversary ng kanilang yumaong ina, ang singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey.

Sa kanyang paggunita sa Queen of Pinoy Rock and Roll, nag-post ng isang mensahe si Jaya sa Instagram at binalikan ang “memories” sa ina noong magkasama pa sila.

“Today marks the 1st year anniversary of my mother, Ms. Elizabeth Ramsey. All these months leading to today has been quite challenging to face. Moving on from someone’s passing especially your parent is quite difficult to deal with.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“At peace, she and I had moments that no one can take away. We lived a very colorful life together, shared the same passions, had not so good very bad days and yet we survived,” bahagi ng madamdaming post ni Jaya.

Kahit may ups and downs, naging masaya naman daw ang pagharap nilang mag-ina sa mga ito dahil magkasama nilang napagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay.

“We did not have the perfect relationship, but we were perfectly alright with our relationship. We deeply loved each other. We deeply respected each other. We loved being on the same stage. We sang, we danced, and laughed together so for many years,” sabi pa ni Jaya.

Ramdam sa post ni Jaya ang kalungkutan sa pagbabalik-tanaw at sa pagtanggap niya bilang ulilang anak sa lumisang ina.

“But for now, I hope and pray that whatever I do here will be a testimony to how great you have been as a mother. The past went away and the present and future remains to be seen. I promise to honor being a good, God-fearing, loving and helpful child. I won’t be easy but I will do it. And don’t worry about me and my kids, maraming nagmamahal sa amin. “

Sa hulihan ng post, may bahaging tila patutsada ng singer at ngayo’y regular at resident judge ng It’s Showtime sa hamon ng half-sister na si Susan na huwag nitong gamitin ang apelyidong Ramsey.

“Ma, I will carry your name for as long as I live, as long as I sing. We all miss you, we all love you. We all thank you... Rest in God’s eternal peace,” mensahe pa ni Jaya.