glaiza-solenn-rocco-copy

NAKABALIK na sa Manila at baka nagti-taping na ng Encantadia sina Glaiza de Castro, Rocco Nacino at Solenn Heussaff pagkatapos ng successful show nilang tatlo sa Abu Dhabi at Dubai.

Dinala ang tatlo sa Abu Dhabi at Dubai para i-promote ang GMA Pinoy TV at dinumog sila sa three shows na kanilang ginawa. Ang maganda pa, may pa-contest para sa pinakamagandang dumating na naka-costume ng mga karakter ng Encantadia kaya nag-effort ang mga contestant na magsuot ng costume.

May dumating na naka-costume ng mga Sang’gre, may naka-costume sa karakter ni Rocco na si Aquil, may naka-costume sa karakter ni Cassiopeia (Solenn) at may sumali rin na naka-costume ng karakter ni Hagorn (John Arcilla).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Post ni Rocco sa Instagram (IG): “Thank you @gmapinoytv and OSN for bringing us to Abu Dhabu and Dubai. Ramdam namin ang pagmamahal ng mga Kapuso natin dito sa UAE, sana ay napasaya namin kayo mga kabayan! Saludo kami sa inyong lahat, Kapuso! Mahal namin kayo! Sa uulitin! #AvisaaUAE.”

Post naman ni Glaiza: “Thank you sa lahat ng mga Kapuso na naka-bonding namin sa Abu Dhabi and Dubai! We will forever cherish those memories with you! Salamat @gmapinoytv and OSN peeps for giving us the opportunity to reach our kababayans from around the world. Till next time:) #AvisalaUAE #TeamAbroad.”

Samantala, patuloy na sinusubaybayan ang Encantadia sa rami ng nangyayari gabi-gabi. Nagbuntis si Alena (Gabbi Garcia) at isisilang niya si Sang’gre Kahlil (Avery Paraiso). Lalabas si Lilasari at namumrublema si Ybarro/Ybrahim kung sino kina Alena at Amihan (Kylie Padilla) ang mamahalin. (Nitz Miralles)