Umabot sa 85 drug personality ang sumurender sa ikinasang ‘one time, big time operation’ sa Pandacan, Maynila ng Manila Police District (MPD)-Station 10, iniulat kahapon.

Mismong si Police Supt. Emerey Abating ang nanguna sa operasyon, dakong 8:00 ng gabi nitong Sabado, mga barangay sa Pandacan, partikular na sa Barangay 867, 870, 871, at 872.

Isa sa mga nadakip sa nasabing operasyon si Felino Esperas, 20, ng 1188 Kahilum II, Pandacan, Manila.

Si Esperas ay unang namataang nakahubad-baro, na paglabag sa City Ordinance, at nang aarestuhin na ay nanlaban pa hanggang sa nadiskubreng siya ay nag-iingat ng deadly weapon at isang pakete ng shabu.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dakong 10:15 ng gabi nang matapos ang operasyon at mapayapang nagsisuko ang mga target sa lugar. (Mary Ann Santiago)