robi-at-gretchen-copy-copy

APAT na taon na ang itinagal ng relasyon nina Robi Domingo at Gretchen Ho. Ayon kay Robi, hindi siya pumapasok sa isang relasyon para lang magloko.

“Seryoso ako dahil sure ako na siya at walang iba ang babaeng pakakasalan at mamahalin habang buhay. Matagal akong naghintay at ipinagdasal ko ito,” pahayag ni Robi.

Ilan lamang sa maraming katangiang nagustuhan ni Gretchen kay Robi ay ang pagiging matalino, pasensiyoso, ulirang anak at responsable. At lagi daw siyang pinatatawa.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Pero bagamat kapwa nasa tamang edad na para lumagay sa tahimik, sinusuportahan ni Gretchen ang mga pansariling pangarap ni Robi.

Nais ni Robi na pagyamanin pa ang kanyang kaalaman bilang host.

Idolo niya ang yumaong Johnny Carson, David Letterman at si Ellen DeGeneres. Sa local, gusto niya ang estilo nina Edu Manzano, Paolo Bediones at David Celdran.

Kung mabibigyan siya ng sariling programa ay isang game show tulad ng Game Ka Na Ba? ang pipiliin niya.

Abala ngayon si Robi sa pagho-host ng Pinoy Big Brother at regular na lumalabas sa ASAP. May mga pagkakataong napapanood siya bilang VJ sa Myx music channel.

May binuksan din siyang eatery na ang specialty ay grilled liempo. (REMY UMEREZ)