wynwyn-at-mark-copy

NAGDADALAMHATI si Mark Herras ngayon dahil pumanaw ang kanyang Tito Hermi, isa mga taong nag-alaga sa kanya. Ramdam ang sakit na nararamdaman ni Mark sa post niya sa Instagram (IG) sa pagkawala ng kanyang Tito Hermi.

 “Mga taong malapit sa buhay ko... Mga nag-alaga, nagpalaki at nagbigay sa ‘kin ng buhay... maraming-maraming salamat po sa lahat... MAHAL na MAHAL ko kayong lahat... magkakasama na kayong lahat sa taas... alam ko pong gagabayan n’yo po ako palagi... Ma, daddy, mamang & Papapim... it will never be the same na wala kayong lahat...”

Sa picture na baby pa si Mark at pinadedede ng gatas ng kanyang Tito Hermi, ang kanyang isinulat na caption ay, “I don’t want to say pim... Hindi ako handa bigla ka na lang nang-iwan... please say hi kay mamang, mama & daddy... I will miss you everyday! Love you pim! Maraming salamat po sa lahat...”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantalang ang girlfriend ni Mark na si Wynwyn Marquez ay may malaki ring problema sa pamilya dahil sa pagkakulong ng kapatid nitong si Mark Anthony Fernandez. Kaya madamdamin din ang ipinost na message ni Wynwyn sa IG.

“I don’t quite understand why everything is happening at the same time. Sunud-sunod. I pray for my brother’s safety.

I pray na sana matapos na lahat toh they don’t know how good you are to us and everyone around you and I pray for my mom’s health. Please don’t worry too much, maaayos din lahat and I pray for Tito Hermi’s soul who left us so early at biglaan ang nag-alaga at tumayong tatay ni Mark at napamahal na din sa akin nang sobra. Salamat sa lahat tito. Pangga @angelo_herras you have me and I have you. We’ll take care of each other. Sa isa’t isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon. Matutupad wish ni Tito, gagawin natin ‘yun. I know everything will be okay... I love you so much.”

(Nitz Miralles)