MAGKAKAROON din kaya ng search for all-girl band?

May nagtanong kasi sa amin kung pagkatapos ng Pinoy Boy Band Superstar ay magbubukas din ang ABS-CBN ng “Pinoy Girl Band Superstar” dahil tila may nabanggit daw si Vice Ganda nu’ng pakantahin niya ang mama ni Tony Labrusca na, ‘kanta ka na mommy para sa Pinoy Girl Band Superstar.’

“Biro lang ba ‘yun ni Vice na totoo o wala lang siya masabi?” tanong pa sa amin.

Hmmm, oo nga, ‘no, Bossing DMB, puwede naman sigurong magkaroon ng all-girl band na tipong Spice Girls para hindi parating boy band lang ang binubuo lalo na’t marami rin namang talented girls na puwedeng buuin bilang isang banda.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kung girls ang nagtitilian sa boys na sumasali sa PBBS, tiyak na may boys din na magagandahan sa girls na mag-o-audition lalo na kung talagang magaganda, sexy at may talent pa.

Ang ganda kayang panoorin ang mga babae na may hawak na musical instruments lalo’t ang gaganda at makikinis, agree ka, Bossing DMB? (Agree 100%, Pareng Reggee! --DMB)

Nakaka-uta na rin na puro solo artists lang ang napapanood sa mga show ng ABS-CBN at ‘yung ibang produkto ng reality show na hindi kaguwapuhan, katangkaran at kagandahan ay hindi na napapansin ngayon.

Mas hinahanap pa rin ng tao ang mga lumang singer tulad nina Vice Ganda, Erik Santos, K Brosas, Angeline Quinto, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Richard Poon, Sam Milby, Yeng Constantino, Hajji Alejandro, Rico Puno, Rey Valera, Bugoy Drillon (nakakalusot minsan), Jed Madela, Charice, Lani Misalucha, Vina Morales, Morisette Amon, Aiza Seguerra, Dessa, Michael Pangilinan (dahil sa YFSF), Laarni Lozada, Rachelle Ann Go, Toni Gonzaga, Martin Nievera at ang loveteams na KathNiel, ElNella, LizQuen, JaDine at humihirit na rin sina Kyla (nagbabalik), Jona, at siyempre ang nag-iisang Lea Salonga, Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Ibinase namin ang mga pangalang nabanggit sa mga nagtatanong sa amin na nagpapa-show sa ibang bansa at sa mga probinsya.

Paging ABS-CBN, may Pinoy Girl Band Superstar search din po ba? (Reggee Bonoan)