bruno-copy-copy

HALOS apat na taon na ang nakalipas matapos ang kanyang huling record, muling nagbabalik si Bruno Mars sa kanyang bagong single na 24K Magic.

Inilabas ang auto-tuned track na may temang ‘80s noong Huwebes, Oktubre 6, makaraang magbigay ng teaser tungkol dito ang singer sa Instagram nitong Lunes.

Maaari na ngayong ma-download ang kanta.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Itinatampok sa video si Mars at kanyang mga kaibigan habang nag-e-enjoy sa Las Vegas.

Sinundan ng 24K Magic ang breakout album ni Mars na Unorthodox Jukebox na inilabas noong 2012. Nakapaloob dito ang mga patok na Locked Out of Heaven, Treasure, at When I Was Your Man.