conan-stevens-at-simon-ferrer-copy-copy

‘KATUWA ang reaction ng Hollywood actor na si Conan Stevens sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center.

Nag-tweet siya ng, “WOOO!!!! Excited=YES. This is going to be fun. I’ve worked so hard in Asia to make a career and GMA are here helping my career come true.”

May kasunod na tweet si Conan na, “This is very exciting, every actor dreams of signing with a big regional studio and the constant work this can bring.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Napapanod si Conan sa Encantadia sa role ni Vish’ka at may eksenang nag-inuman sila ni Sang’gre Danaya (Sanya Lopez) na kung matatalo si Danaya ay mapapangasawa niya. Nag-trending sa Twitter ang eksena nilang ito na ikinatuwa ng aktor.

Kung naiintindihan lang ni Conan ang Tagalog, matatawa siya sa reaction ng netizens sa eksenang ‘yun.

Nabanggit pala ni Conan na ‘pag nakikita siya ng tao, “Vish’ka” na ang itinatawag sa kanya. Minsan pa raw, sa Nchanta (salita sa Encantadia) siya kinakausap ng televiewers na nakakakita sa kanya nang personal. (NITZ MIRALLES)