CABANATUAN CITY - Tinatayang aabot sa P2.9 bilyon ang pagkakautang ng mga magsasaka sa Nueva Ecija sa National Irrigation Administration (NIA).

Ayon sa report, nabigo ang mga magsasaka at mga land reform beneficiary na tugunan ang kanilang mga obligasyon sa buwanang pagbabayad ng irrigation service fees sa ahensiya, kaya naman malaki ang nawawalang kita nito.

Sinabi ni Engr. Florentino David, operations manager ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) na namamahagi ng irigasyon mula sa Pantabangan Dam, dati ay kumokolekta ang NIA ng bayad-patubig na 2.5 kaban kada ektarya tuwing wet cropping season at 3.5 kaban kapag dry cropping season.

Ayon sa isang irrigation fee collector ng NIA-UPRIIS na ayaw magpabanggit ng pangalan, nahihirapan silang singilin ang mga magsasaka dahil hindi na nagsasaka ang mga ito. (Light A. Nolasco0

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol