joyce-kristoffer-copy

NITONG nakaraang linggo, napansin namin na sunud-sunod ang guestings ng magka-love team na Joyce Ching at Kristoffer Martin, iba-iba ang roles na ginagampanan nila. Kaya naman pala, ito ang nagsilbing audition nila sa GMA-7 para sa bagong serye na gagawin nila, ang Anything For You.

“‘Hindi na raw po kami pa-tweetums ni Joyce dito,” sabi ni Kristoffer. “Mas mature na ang roles na gagampanan namin.

Kaya excited po kami ni Joyce, sabi ni Direk Don Michael Perez noong story conference namin, something daw na hindi namin ini-expect na gagawin namin.”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Na-excite din ako sa role na gagawin ko,” kuwento ni Joyce. “Personally, sobrang love ko ‘yung character namin ni Kristoffer kasi hindi siya ‘yung typical na bida na sobrang bait, na hindi lumalaban. ‘Yung role namin is palaban at saka rebelde. Pero habang pinapanood ninyo ang story namin, doon mo siya mamahalin dahil makikilala na ng mga manood kung sino kami ni Kristoffer.”

Dating mag-sweetheart sina Kristoffer at Joyce pero nagkaroon ng kasunduan na i-prioritize muna nila ang studies and career nila, kaysa maging seryoso sa kanilang relasyon.

Ang maganda naman sa dalawa, nanatili silang friends at wala silang ilangan kapag may roles na ginagampanan na may pagka-mature na rin lalo na kung may love angle. In fairness, pareho silang mahusay umarte kaya no problem kung anuman ang role na ibigay sa kanila.

Nagsimula nang mag-taping sina Kristoffer at Joyce at mapapanood ang Anything For You sa afternoon prime ng GMA-7 the soonest.