Pinaiimbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naiulat na fish kill kamakailan sa Lake Sebu sa South Cotabato.

Ayon sa BFAR, magsasagawa sila ng water sampling analysis upang matukoy ang sanhi ng fish kill, na nakaapekto sa aabot sa 200 fish cage.

Kaugnay nito, umapela rin sa gobyerno ang mga may-ari ng fish farm upang matulungan silang makabawi sa pagkalugi. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar