paris-copy

BUMALIK na sa Neverland si Paris Jackson.

Nag-post ng mga litrato ang anak na babae ni Michael Jackson sa Instagram mula sa kilalang ari-arian ng kanyang yumaong ama noong Huwebes, at ang isinulat niyang, “felt so good to be home even for a little bit.”

Naglabas din siya ng video ng kanyang sarili habang inaalagaan ang mga hayop sa southern California ranch. Nag-post din si Paris ng selfie na may kasamang alpaca.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Napabayaan ang Neverland nang pumanaw si Michael Jackson noong 2009. Pinagbalakan itong ibenta sa halagang $100 million noong nakaraang taon. Itinatampok ng 2,700-acre site ang mga pasilidad tulad ng train station, six-bedroom house, 50-seat movie theater, at mga lawa. (AP)