Malakas ang banta ng terorismo sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia at walang pwersang makapipigil sa kanila, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“From what I just basa-basa and talks with the intelligence community of the other countries, especially in the Middle East, mukhang naghanap ito sila (terorista) ng bagong frontier. And I think na ang susunod nito would be Indonesia, Malaysia and the Philippines,” ayon sa Pangulo nitong Martes sa Philippine Army headquarters.

“Mark my word, maybe during my presidency or after but terrorism is here to stay,” dagdag pa niya.

Naghahanap umano ng pamamahayan ang mga terorista matapos ang walang humpay na pag-atake sa kanila sa Middle East ng pwersa ng Estados Unidos at mga kaalyado nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa kasalukuyan ay may extremists na umano sa bansa at ang tawag sa kanila ay militants, sa halip na ISIS (Islamic State of Iraq and Syria). Umiikot na rin umano ang Arab scholars sa Davao City, kung saan hindi tungkol sa relehiyon ang kanilang sermon, kundi “historical hurt” ng Muslim world.

Kasabay nito, ipinangako ng Pangulo ang pag-upgrade sa armas ng militar upang ihanda ang kanilang hanay laban sa terorismo. (Genalyn D. Kabiling)