NAKAKATUWA talaga itong si Luis Manzano, kahit ano pang pangungulit namin para mapagsalita tungkol sa tunay nilang relasyon ni Jessy Mendiola ay iisa lang ang sagot simula noong ma-link sila sa isa’t isa, “okay kami”.
Gabi ng Martes, nag-private message uli kami sa Facebook account ng TV host/actor para i-follow-up ang tungkol sa sagot ni Jessy nang tanungin ng TV Patrol reporter na si Marie Lozano kung ano na ang status nila ngayon, “We are very happy and what they see, ‘yun na ‘yun.”
Sa Seoul, Korea nakausap ni Marie si Jessy nang tumanggap ito ng Best Asia Pacific Star award. Honorary Tourism Ambassadress ng Korea ang aktres simula pa noong 2013 kaya’t madalas siyang pumunta sa nasabing bansa.
Ang tanong namin kay Luis, ano na ang real score nila ni Jessy. Ang kanyang mabilis na sagot, “Esakto na sagot niya, happy kami anuman meron.”
Sundot namin, ‘Ha-ha-ha, bitin! So, officially kayo na?’
“’Yan na ang sagot namin,” sabi ng binata na may kasamang smiley emoticon.
‘Walang label... okay good,’ hirit namin.
Ang layo ng sunod na sagot ni Luis: “Na-curious din ako sa status mo.”
Ang tinutukoy niya ay ang post naming, ‘May pasabog: sikat na aktres na nasa interesting stage at kapag biglang nawala, alam n’yo na.’
‘Developing story pa po, gathering facts pa,’ sey namin.
Nag-thumbs-up si Luis at sinabing, “Ganyan dapat!”
O, di ba, Bossing DMB, kami ang nagtatanong pero ang ending kami ang natanong.
(Magaling lumusot si Don Luis! --DMB) (REGGEE BONOAN)