BINULABOG ni Lovi Poe ang social media nang i-post niya sa Instagram ang picture niya na kasama sa pictorial niya para sa FHM na sabi ng iba, halos kita na ang pisngi ng kanyang langit.

Hindi nagustuhan ng iba ang picture niya at tinawag pang soft porn, may nagsabing dapat ay naghubad na lang siya at ipakita na niya ang lahat. May mga nag-comment pang hindi raw niya gagawin ang pagpapakuha ng litrato na halos hubad na kung buhay pa ang amang si Fernando Poe, Jr.

Pero mas marami ang naka-appreciate sa ginawa ni Lovi at sa lakas ng loob kahit alam niyang maba-bash siya. Marami ring celebrity friends si Lovi na nag-comment -- gaya nina Rhian Ramos ng, “Holy shit lovi!” at si Maxene Magalona ng, “IBA!!!” Pati si Daiana Menezes napa-comment ng, “Amiga so hot!!!

Dedma si Lovi lalo na sa negative comments, basta tuloy lang ang takbo ng buhay niya at hindi pa rin dine-delete ang controversial picture niya. Magandang promo raw ang ginawa niya para sa nalalapit na showing ng The Escort ng Regal Films dahil sexy ang pelikula at marami siyang sexy scenes.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Maaalalang kinabog din ni Lovi ang viewers ng Someone To Watch Over Me sa matinding kissing scenes at love scene nila ni Tom Rodriguez na ipinagselos ng fans nina Tom at Carla Abellana at rason para ma-bash si Lovi.

Well, may mga love scene pang gagawin sina Tom at Lovi sa mga susunod na episodes at siguradong may mga magre-react na naman. Ibig sabihin, consistent lang si Lovi sa image niyang sexy/drama star dahil ginagawa niya sa TV, sa pelikuka pati sa pictorial. (Nitz Miralles)