Hanap mo ba ang mabilis na recovery mula sa injury sanhi ng aksidente o may kinalaman sa sports? May lugar na para sa iyo.

Makakamit ang minimithing kagalingan at kaginhawaan sa ‘Beyond Rehab’, isang world-class na pasilidad na naghahain ng first-rate Physical Rehabilitation, Diagnostic at Wellness Services.

Pormal na bubuksan ang pinakabagong pasilidad sa bansa sa Oktubre 8 ganap na 4:00 ng hapon. Matatagpuan ang ‘Beyond Rehab’ sa ikalawang palapag ng Orion Building sa 11th Avenue corner 38th Street, Bonifacio Global City sa Taguig.

Nakapaloob sa Physical Medicine & Rehabilitation (Physical Therapy, Occupational Therapy) ang iba’t ibang programa tulad ng jumpstar (Pediatric and Natal Cases), Regain (Geriatric Recovery), Reboot (Musculoskeletal Concerns Experienced by the Workforce), Rebound (Athlete’s Rehabilitation),at Olympian (Strength and Conditioning).

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Naghahain din ng diagnostic services sa Radiology (X-ray, Ultrasound), Cardiac Graphics (2D-Echo, Stress Test) at Laboratory.

Handa ring magbigay ang ‘Beyond Rehab’ ng kanilang medical specialization sa Cardiology, Dental Medicine, Dermatology, Ear, Nose & Throat (ENT), Family Medicine, Internal Medicine (Diabetology/Endocrinology/Nephrology/Pulmonology), Obstetrics and Gynecology, Orthopedic, Pediatric Medicine, Physical Medicine and Rehabilitation, Psychiatry and Behavior Medicine, Sports Psychology, Urology at Plastic Surgery.

Handa ring maglingkod ang ‘Beyod Rehab’ sa aspeto ng Dental Services, Nutrition, Lifestyle Counselling at Out-Patient Surgical Services