yuki-copy-copy

MUKHANG hindi tugma ang sinabi ni Yuki Sakamoto kay Vice Ganda sa Pinoy Boy Band Superstar (PBBS) sa nalaman namin na kaya siya nag-audition ay dahil disbanded na ang kinabibilangan niyang boy band na 1:43.

Sa episode ng PBBS nitong nakaraang Linggo ay isa si Yuki sa nag-audition at tinanong siya ni Vice, isa sa mga hurado, kung bakit siya sumali sa reality show. Ang sagot nga ng binata, wala na ang boy band nila dahil ang manager nilang si Chris Cahilig ay mas gusto na raw mag-produce ng pelikula kaysa i-manage sila bilang singers.

Nagulat kami sa sinabing ito ni Yuki dahil ang pagkakaalam namin ay hindi pa nawawala si Chris sa music industry.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

Kaagad naming pinadalhan ng mensahe si Chris nang mapanood namin ang Pinoy Boy Band Superstar pero hindi kami nireplayan ng talent manager.

Tinawagan namin ang taong malapit sa manager cum producer (ng pelikulang Echorsis) na umaming nagulat din nang mapanood ang programa nina Vice, Yeng Constantino, Sandara Park at Aga Muhlach.

“Actually, nakakagulat po kasi hindi naman ganu’n ang nangyari. Nagtampo si Chris sa 1:43 kasi nu’ng ipinalabas ‘yung Echorsis, sabi niya sa miyembro, sina Yuki, Anjo (Resurreccion), Gold (Aquino), at Ronald (Golding), tulungan siya sa movie na yayain ang fans nila na panoorin ito para hindi naman mag-first/last day sa sinehan.

“Kilala kasi ni Chris ang fans ng 1:43 na kapag niyaya ng grupo, dino-double check ng fans kay Chris kung totoo at kung saan ang venue, etc.

“Eh, wala pong tawag ang fans, sa madaling salita, hindi sila niyaya ng group, hindi tinulungan ng grupo si Chris to promote the movie sana para hindi mawala sa sinehan.

“Kaya kinausap po ni Chris ‘yung apat (Yuki, Anjo, Gold, Ronald) na bakit daw ganu’n at nagkainitan po sila at sinabi nga ni Chris na ngayon lang daw siya humingi ng tulong hindi man lang siya tinulungan.

“For six years po, tinulungan ni Chris ang grupo para makilala, lahat ng gastos ng grupo, sagot ni Chris, at kung may raket po ang grupo at hindi naman kalakihan ang bayad, hindi na po kumukuha si Chris kasi tulong na lang niya.

“Kaya nagtampo po siya na after six years niyang gastusan ang 1:43, wala man lang ginawa para sa first movie produced ni Chris.

“Actually, kasama nga po ang 1:43 sa movie, may music video sila para may exposure.

“Ang pagkakaalam ko kasi, gusto ni Chris na mag-crossover na ang 1:43 boys as an actor para hindi lang pagkanta ang alam nilang gawin.

“Kaya rin po nag-produce ng movie si Chris para may exposure rin ang grupo, eh, it turned out na hindi ganu’n ang nangyari. Kaya sa galit ni Chris, sabi niya, magkanya-kanya na sila dahil ayaw na niya.

“Actually, sina Anjo, Gold at Ronald nag-sorry na kay Chris kaya in speaking terms sila at okay na. Si Yuki lang po ‘yung hindi nakikipag-usap kay Chris, hindi siya nagso-sorry pa or whatever. Sa madaling salita, siya ‘yung may something kay Chris,” mahabang kuwento ng source sa amin.

So, tama si Yuki na hindi na nga magpo-produce ng album si Chris dahil nag-shift na siya sa movie?

“Hindi po, magpo-produce pa rin, nagalit lang siya sa 1:43 kaya sinabi niyang magkanya-kanya na sila.

“In fact may binubuong grupo nga ulit si Chris at boy band din, kasi ‘yung 1:43, medyo may edad na at busy rin sa day job nila, except for Yuki. Parang wala yata siyang day job or business. Not sure po,” paliwanag pa ng taong malapit sa talent manager.

Naikuwento rin sa amin na ang bagong pelikulang ipo-produce ni Chris ay ang launching movie ni Kakai Bautista.

“In between po, magpo-produce rin ng album ulit si Chris para sa bago niyang boy band, wala pang name, eh,” sabi pa sa amin.

Bukas ang pahinang ito para kay Yuki.

Samantala, ang dami ng nakakakilala sa 1:43 boy band dahil nu’ng lumabas si Yuki sa PBBS para kantahin ang Crazy For You ni Madonna ay grabe ang tilian ng girls at binigyan siya ng score na 96% na ikinagulat ng apat na hurado dahil sobrang taas. (Reggee Bonoan)