Kritikal ang kondisyon ng isang umano’y empleyado ng ABS-CBN matapos siyang saksakin ng tricycle driver na pinagbintangan siyang kumuha sa wallet nito sa Malabon City, noong Linggo ng gabi.
Nakaratay ngayon sa ospital si Valeriano Sally, 28, ng East Riverside, Barangay Potrero, habang nakatakas naman si Harold Pagulayan, ng Araneta Village, Bgy. Potrero.
Sa report nina PO2 Aaron Blanco at PO1 Jonel Claro, dakong 7:00 ng gabi nang sumabay si Pagulayan sa paglalakad ni Sally sa Victoneta Avenue para magkuwentuhan, hanggang naghiwalay na sila.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Pagulayan at galit na hinanap kay Sally ang nawawala niyang wallet.
(Orly L. Barcala)