Posibleng lumagpas ang economic growth ng Pilipinas sa 6.2 porsiyento na tinaya ng World Bank (WB) para sa susunod na dalawang taon.

Ito ang sinabi ng multilateral lender noong Lunes, kung saan idinagdag nito na nananatiling positibo ang short-term prospects sa kabila ng mga hamon sa polisiya.

“If remaining budget-execution bottlenecks are successfully addressed in the next few months, and if uncertainties regarding the specifics of the reform agenda are quickly resolved, the annual GDP growth rate could exceed the 6.2 percent currently projected for 2017-18,” ayon sa WB.

Sa kabila ng medium-term risks at policy challenges, sinabi ng WB na “the Philippines’ short-term growth prospects remain positive.”

National

'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy

Nakatulong ang paggasta sa election campaign sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ng hanggang 7% sa second quarter--ang pinakamabilis sa loob ng tatlong taon. - Reuters