Maagang pamumuno ang target ng multi-titled University of Santo Tomas habang matutunghayan ang pinananabikang pagbabalik-aksiyon ng tinaguriang “volleyball queen” na si Alyssa Valdez sa bagong koponan ng Bureau of Customs sa pagpapatuloy ngayong hapon ng Shakey’s V League Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sasabak ang dalawang koponan sa magkahiwalay na laban, ang Tigresses sa unang laban ganap na 4:00 ng hapon kontra Coast Guard at ang Transformers laban sa University of the Philippines Lady Maroons ganap na 6:00 ng gabi.

Sa pamumuno ni EJ Laure, tinalo ng Tigresses at na-upset ang nakaraang Open Conference runner-up Philippine Air Force, 25-15, 20-25, 25-13, 25-21 sa opening day nitong Sabado.

Galing naman ang Dolphins sa straight sets na kabiguan sa kamay ng Laoag Power Smashers na pinangunahan ng mga bagong recruits at pawang mga power hitters na sina Jorelle Singh ng National University at Grethcel Soltines ng San Sebastian College, 8-25, 15-25, 16-25.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Maliban kay Valdez, inaasahang mamumuno sa bagong buong koponan ng Customs na gagabayan ni coach Sherwin Meneses sina dating NU hitter Rizza Mandapat at dating Arellano standout Menchie Tubiera kasama ang dalawang Thai reinforcements na sina Kanjana Kuthaisong at Nattanicha Jaisaen.

Mauuna rito, susubukan namang sumalo sa opening day winner Philippine Air Force  na nanaig kontra PLU- 100 Plus (25-11, 25-16, 25-13)ng mga contenders Cignal at Instituto Esthetico Manila sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Spiker’s Turf .- Marivic Awitan