Ni JIMI ESCALA

coco-at-susan-copyNAPAKAGANDA ng relasyon nina Coco Martin at Susan Roces. On and offcam ay ganoon na lang ang paghanga at pagmamahal ng una sa huli. 

Nagsimula ang magandang samahan ng dalawa noong 2012 nang una silang magsama sa teleseryeng Walang Hanggan.

At dito sa FPJ’s Ang Probinsiyano ay lalong napalapit ang loob nila sa isa’t isa. Sobra pa sa pamilya ang turingan nilang dalawa. Katulad ng isang lola ay laging ‘andyan ang orihinal na Queen of Philippine Movies para sa itinuring na nga niyang apong si Coco Martin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya nga sa presscon ng Ang Probinsiyano, sinagip agad ni Susan ang hindi masagot sagot ni Coco na tanong kung gaano na siya kayaman.

“Well, Coco is priceless,” walang kagatul-gatol na salo ni Susan.

Sa umpisa pa lang ng nasabing presscon ay marami pa rin ang napahanga sa ginawa ni Coco kay Susan Roces. Binigyang-pugay at pinasalamatan ng actor ang reyna ng pelikulang Pilipino.

Isang mamahaling bouquet ang iniabot ni Coco kay Susan. Pagpapasalamat daw ito sa pagtitiwala ng huli para sa dating pelikula ni Fernando Poe, Jr. na ngayon nga ay binigyang-buhay niya.

Ginampanan ni Coco ang papel ni FPJ sa pelikula bilang si SPO2 Ricardo “Cardo” Dalisay at si Susan naman si Kapitana Flora o Lola Kap sa kanilang barangay.

Very touching din ang mensahe ni Coco para kay Susan pagkatapos iabot ang bouquet of flowers.

“‘La, sa lahat po ng bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsiyano, mula sa aming lahat, mula sa Dreamscape, sa ABS-CBN... ‘La, maraming-maraming salamat po sa pagmamahal at pagtitiwalang ipinagkaloob n’yo po sa amin.

“Dahil po sa inyo kaya po nabuo ang FPJ’s Ang Probinsyano, I love you,” sey pa ni Coco.

Samantala, bilang selebrasyon sa isang taong pamamayagpag sa ere ay isang engrandeng pagtitipon ng mga kasama sa nasabing serye ang magaganap sa Sabado, October 8 sa Araneta Coliseum.

Isang pakana-panabik na performances ang ihahandog ng cast kasama ang iba pang Kapamilya stars na sina James Reid, Nadine Lustre, Elmo Magalona, Janella Salvador, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel at iba.

May special participation din ang cast ng It’s Showtime nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at ang all-male group na Hastags. At siyempre, present tiyak ang mga nasa cast ng Ang Probinsiyano sa pangunguna ng King of Drama and Primetime na si Coco Martin.