Kim Kardashian
Kim Kardashian (AP)
HINOLDAP at tinutukan ng baril si Kim Kardashian ng dalawang lalaking nagpanggap na police officer sa kanyang hotel room sa Paris.

“She is badly shaken but physically unharmed,” pahayag ng kanyang kinatawan sa People.

Nasa Paris ang reality star simula noong nakaraang linggo para sa Fashion Week.

Hindi kabilang sa insidente ang kanyang mga anak na sina North, 3, at Saint, 9 months, noong Linggo ng gabi, napag-alaman ng People.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi pa natitiyak kung ninakawan ang star.

Samantala, bigla namang umalis sa entablado ang kanyang asawa na si Kanye West sa isang konsiyerto sa New York City sa kalagitnaan ng pagkanta noong Linggo ng gabi, na sinabi sa fans na, “I’m sorry, I’m sorry. Family emergency, I have to stop the show.”

Nasa kalagitnaan ng pagtatanghal ng Heartless si Kanye West sa Meadows Music & Arts Festival nang biglang putulin ang kanyang pagkanta.

Dumating ang kinatawan ng festival halos 10 minuto matapos umalis sa entablado si Kanye at sinabi na kanselado na ang set ng rapper at wala na ito sa venue.

“Due to a family emergency, Kanye West was forced to end his performance towards the end of his set. We appreciate the great show he put on for fans to close out the inaugural Meadows Festival,” nakasaad sa pahayag na inilabas ng festival. “Our thoughts are with West and his family.”

Noong Linggo, dumalo si Kim sa Balenciaga show bago lumabas kasama si Kourtney para mag-dinner, na hosted ng designer na si Azzedine Alaia.

Dakong 8:30 ng gabi. ET – 2:30 ng madaling araw sa Paris – bumalik na siya sa hotel room at nakipag-facetime sa kapatid na si Rob Kardashian at fiancée nito na si Blac Chyna para i-congratulate sa kanilang baby shower, ayon sa kanyang Snapchat.

Noong unang bahagi ng nakaraang linggo, hinablot ng mga bodyguard ni Kim ang kilalang celebrity prankster na si Vitalii Sediuk nang akma nitong hahalikan si Kim sa likod.

Noong Linggo ng hapon, pinasalamatan ni Kim ang kanyang security team, sa pagpo-post ng litrato sa Instagram ng isa sa kanyang mga bodyguard na si Pascal Duvier, at nagbiro na, “This guy is always in my shot!” - AP