ARJO-AtaydeISA si Arjo Atayde sa mga pinuri nang husto sa 1st year anniversary presscon ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa napakahusay niyang pagganap bilang kontrabida kaya talagang nakikipagsabayan siya kina Albert Martinez at Eddie Garcia.

Tulad sa eksena noong Biyernes, nalaman ni Joaquin/Arjo na in-ambush ang nanay at kapatid niya at talagang tinanong niya ang tatay at lolo niya kung ano ang kinalaman ng mga ito sa nangyari.

 

Emosyonal ang eksena ng aktor nang malaman niyang patay na ang kapatid niya, nakakaiyak ang eksenang hinalikan niya ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

 

Bagamat kontrabida ay nagpakita ng soft-side bilang kuya at protector ng pamilya si Joaquin. Dahil lang naman sa uri ng negosyo ng pamilya Tuazon kaya marahil napipilitang gumawa ng masama si Joaquin.

 

Sa presscon, natanong ang aktor kung paano niya pinaghahandaan ang mga eksena niya at kung hindi ba siya nahihirapan dahil isang taon na siyang kinamumuhian ng lahat dahil sa kasamaan niya.

 

“Mahirap din po at the same time madali lang din kasi magaling din naman ‘yung mga kasama namin, so give and take po. Kahit sino’ng makaeksena ko na nagbibigay ng emosyon, naa-absorb ko, madadala at madadala ka ng kaeksena mo. But basically, to answer the question, mahirap po talaga.

 

“You only do what the character requires, I don’t know up to what extend my character can do, but as of now, I’m focus one at a time. Each and every experience na pinasok ko ‘to, ninanamnam ko at hindi ko iniisip ahead kundi ‘yung ngayon, kung ano ang kaya kong gawin at pagandahin,” paliwanag ni Arjo.

 

Wala bang agam-agam si Arjo na marami na ang nagagalit sa kanya o baka hindi na siya makakawala sa papel niya bilang kontrabida?

 

“Hindi naman po, kasi for me, it’s just a job and nothing more than that and I love it. It’s my girlfriend and love of my life, acting, and it’s a job so for me, so if I can get in a character, I want as much as I want to say I’m doing method, wala tayong oras para gawin ‘yun.

 

“But as far as I’m concerned, I’m slightly doing it in a way na I believe my character and I love my character in each every experiences,” pangangatwiran ng aktor.

 

May bashers na ba siya? 

“Meron din naman po, but that’s very rare, kasi naman ang mga viewers natin ngayon ay very smart. Mga bashers, hindi ko naman masyadong pinapansin, actually wala naman, pero hindi maiiwasan and I don’t think reading whatever messages.”

 

Nabanggit din ni Arjo na ang terminong ‘kontrabida’ ay iba sa pag-intindi niya.

 

“Actually, for me it’s a different, ang kontrabida the way I saw it before and as I learned through the years, pag sinabing kontrabida, masamang tao, no, it’s not that.

 

“Ang kontrabida pala has a different belief and each and every person on us, so practically, that’s my logic right now of being a kontrabida, I’m not bad.  I just had another belief. I have big responsibilities and doing,” sabi ni Arjo.

 

Mare-redeem ba ni Joaquin ang pangalan niya sa huli o dapat bang mag-demand siya na sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano ay makagawa siya ng bagay para maiba ang tingin sa kanya ng viewers?

 

“Redeeming value, that’s that Filipino value look for, that’s why nagkakaroon ng (good side) sa dulo, may humanity. Me? Am I looking for one now? No I’m not. Kasi if it comes it comes, for me what I’m doing is wrong and know it’s wrong but that’s what I’m born to be,” paliwanag ng binata.

 

Effective siyang kontrabida, may plano ba siyang mag-shift sa romantic comedy project?

 

“Gusto ko naman po, but honestly speaking, puwede naman akong maging kontrabida for teleseryes and doing rom-com is something I want to do it and some other roles para makita ko and knew it, to explore.  So from there, gusto ko munang makita kung ano talaga ang strength ng weakness ko,” sagot ng binata.

 

Kuwento pa ng aktor, nagiging sensitibo sila nina Mr. Eddie at Albert sa karakter nila lalo na pagdating sa droga dahil ito ang current news ngayon na tungkol sa drug lords.

 

“Honestly speaking, mahirap magsabi ng we’re going with the current issues kasi sometimes, nauuna pa kami sa news di ba, if you notice. Kahit kami nagugulat, so there and there, we have to build certain characters and certain nuisances, to certain doings, to certain thinking na ganu’n talaga. So we tried to adopt whatever is given to us,” esplika ni Arjo.-Reggee Bonoan