NGAYONG gabi sa Sunday Night Box Office, mapapanood ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2016.

Magtitipun-tipon ang 24 na magagandang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para ipamahagi ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.

Ayon sa Miss World Philippines national director na si Cory Quirino, mahalaga ang adbokasiya ng pageant para mabawasan ang kahirapan sa mundo. Dagdag pa niya, “If only we had a magic wand, we would use it to remove the poverty, the pain, the oppression, the diseases all over the world, but right now it should begin with one courageous, generous gesture.”

Mapapanood ang telecast ng Miss World Philippines sa SNBO pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'