paul-at-toni-copy-copy

TAMA nga ang sinabi ni Toni Gonzaga nang makausap namin sa premiere night ng My Rebound Girl last Tuesday na manganganak na siya ‘anytime this week’ at ayon naman kay Mommy Pinty, ‘Sabi ng doktor niya, sa Friday na.’

Sakto nga, dahil kahapon ng 5:23 ng mag-uumaga ay ipinanganak na ni Toni si Baby Severiano Elliot Gonzaga Soriano na may timbang na 7.2 lbs.

Ang post ng proud brand new daddy na si Direk Paul Soriano sa kanyang Instagram account, “Severiano Elliot Gonzaga Soriano (Seve) has arrived. Born 5:23 AM at 7.2 lb. Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you all for your prayers and support! God Bless. #BabyBoy.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpadala kami ng mensahe kay Direk Paul kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito para magtanong kung saan nila kinuha ang pangalan ng first born nila ni Toni dahil malayo pareho sa pangalan nilang mag-asawa at hindi rin nakuha sa pangalan ng daddy nilang sina Taytay, Rizal Vice Mayor Carlito ‘Bono’ Gonzaga at Pastor Jeric Soriano. Pero hindi pa namin nakuha ang info hanggang sa ipasok namin itong report.

Hmmm, baka naman may pelikulang parehong paborito nina Direk Paul at Toni at ipinangalan nila sa anak nila ang bida.  

Parang nakikinita na namin na magiging spoiled sa parehong lolo’t lola si Seve dahil parehong first apo.

Congratulations Direk Paul and Toni. (REGGEE BONOAN)