sarah1-copy-copy

PAGKATAPOS mag-enjoy sa mahaba-haba ring bakasyon, nagpahiwatig si Sarah Geronimo na handa na siyang bumalik sa showbiz.

While on hiatus, in-update naman tayo ng popstar princess sa kanyang activities via social media posts. Marami silang pinuntahan ng kanyang boyfriend na si Matteo Gudicelli. Inakyat nila ang bundok ng Pico Loro, nag-underwater sightings ng butanding sa Cebu, nag-outreach at nakipag-bonding sa mga bata ng Gawad Kalinga Village sa Muntinlupa, dahil ang mga ito’y kasama raw sa kanyang bucket list o pinangarap na gawin.

Nilinaw ni Sarah na ang mapanganib na shark bonding nila ni Matteo sa Cebu ay ideya niya para sa kanilang anniversary.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Kasi lahat ng ito, na-experience na ito ng mga cousins ko, like ‘yung mag-swim ka with the butanding narinig ko na sa cousin ko na ginawa niya. So ‘yun, naging part na siya ng bucket list ko,” masayang kuwento ni Sarah.

“I’m back from a much-needed break and I was able to cross out a lot of things off from my bucket list like cooking classes, mountain climbing, travel, and even spelunking. I am happy to be back and in a position to inspire people with this campaign.”

Ibinahagi rin ni Sarah ang kanyang biggest realization habang nagbabakasyon.

“Yes 100% ‘yung mindset ko talagang mas energized, mas motivated to work harder kasi dumarating din sa stage ng buhay natin like ano ba ‘yung purpose ko? Bakit ko na ito ginagawa? Ano ba ‘yung kulang? I realized na you don’t work for other people, to please them, para mapuno ‘yung concert venue mo, para maging super hit lahat ng songs mo. Hindi, eh. Ang pinakaimportante pala sa lahat or ‘yung main goal mo dapat is to share whatever you have, kung ano ‘yung talent na ‘binigay sa iyo ng Panginoon regardless kung bunga ng konti or sangkatutak. At pinaka-importante is to glorify and honor Him kung ano’ng ginagawa mo sa buhay mo,” ani Sarah. 

Bago matapos ang 2016, wala muna siyang pelikula at TV projects.

“I’d like to focus more sa music ko and to promote kasi ‘yung mga nakaraang album ko na hindi ko na-promote nang maayos. So I’m planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko,” pahayag ng pop princess. (ADOR SALUTA)