Paghihiwa-hiwalayin na ang high-profile inmates na nasangkot sa riot sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP) na ikinasawi ng isang convicted drug lord.

Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rolando Asuncion, na nagsabing dapat na paghiwalayin ang mga ito upang hindi na maulit ang insidente.

“Dapat gawin ito dahil hindi inaalis ang posibilidad na maaaring maulit ang riot kaya paglalayuin muna ang mga preso,” wika ni Asuncion. (Beth Camia)

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital