Matapos balaan ang kapwa mambabatas hinggil sa pagpapalabas ng sex video sa Kongreso, naniniwala si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na bahagi lang ng psychological war laban kay Sen. Leila de Lima ang sinasabing pagpapalabas nito.

“Ang dami-dami nang claim na ganyan. I haven’t seen it. Ang dami- daming nag-attempt na ipakita sa akin ‘yan. It’s of a different person so, bakit tayo kumakagat sa ganitong usapin. Actually we may be wasting our time,” ani Pimentel.

Kahapon, binalaan ni Pimentel ang mga mambabatas na magpapalabas sa sex video at sinasabing ihanda ang kanilang sarili sa pagbabayad sa ‘political price’ na lilikhain nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So a reminder to all fellow legislators to be responsible for our actions. Be sensitive to the sensibilities, the feelings and the effect of our actions on our fellow legislators. Ganun na lang po,” ani Pimentel.

(Hannah L. Torregoza)