aguirre-copy-copy

Tatlong umano’y sex video ni Senator Leila de Lima at dating driver nitong si Ronnie Dayan ang ipi-play o ipapalabas, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

“Kung hindi niya i-a-admit during the trial ‘yung kanilang relationship, then we’ll be forced to play (the video),” ani Aguirre.

“Malaki ang significance. Mag-e-explain iyun why Ronnie Dayan was powerful, why Ronnie Dayan was able to extract money from drug lords. Because an ordinary driver cannot do it,” dagdag pa ng kalihim.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang pagpapalabas ng umano’y sex video ay gagawin sa paglilitis, kapag nasampahan na ng kaso si De Lima.

Magugunita na una nang itinanggi ni De Lima na siya ay may sex video.

Samantala walang nakikitang masama o iligal si Aguirre sa paggamit ng resources ng gobyerno laban kay De Lima.

Ayon kay Aguirre, hindi masisisi ni De Lima na gamitin ng pamahalaan ang lahat ng resources nito dahil naniniwala ang gobyerno na siya ay may kasalanan.

Inihalintulad pa ni Aguirre sa sitwasyon ngayon ni De Lima ang kanyang naging karanasan sa pagdepensa sa kaso ni Hubert Webb na akusado noon sa Vizconde massacre.

Paliwanag ng kalihim, ginamit din noon ng gobyerno ang mga ahensya nito gaya ng Bureau of Immigration, NBI at pulisya laban kay Webb dahil sa paniwala na dapat siyang malitis. (Beth Camia)