Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang pag-uugnay sa kanya kay drug lord Jaybee Sebastian, matapos lumutang na ilang oras daw naglalagi ang una sa kubol ng huli sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Justice secretary pa ito.

“Anong insinuation nila, lover kami ni Jaybee Sebastian? They’re making me appear as if I’m now a sex worker, a paid sex worker?”ani De Lima.

Sinabi ni De Lima na malaking kasinungalingan umano na iugnay siya kay Sebastian. “So why is the President so fixated on my sexual life. They are making me appear that I am a sexually prolific woman. Anong gusto niya? Wala po akong sexual life, but I totally deny that —that insinuation that there’s something between me and Sebastian,” ani De Lima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Sebastian ay sinasabing nagbigay umano ng milyong drug money kay De Lima.

Sinabi ng Senadora na nang hindi nila makumbinsi si Sebastian at misis nito na tumestigo laban sa kanya, muli na naman siyang binanatan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni De Lima na kung mapapatunayan na may bangko siya na naglalaman ng drug money, i-freeze na umano ito ni Aguirre. (Leonel M. Abasola)