Pinupuntirya ngayon ng bagyong ‘Helen’ ang bahagi ng Taiwan, habang papalabas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Kahapon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito sa nakalipas na 24 oras.

Si Helen, ayon sa PAGASA, ay huling namataan sa layong 530 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang hanging aabot sa 150 kilometro kada oras, malapit sa gitna at bugsong 185 kilometro bawat oras.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Ngayong umaga, tinataya ng PAGASA na ito ay nasa layong 265 kilometro sa hilaga ng Basco, Batanes.

Itinaas sa signal No. 2 ang Batanes, habang nasa signal No. 1 ang Northern Cagayan, kabilang na ang Babuyan Group of Islands. (Rommel P. Tabbad)