jodi-sa-minute-to-win-it-copy

NANALO ng P1 milyon si Jodi Sta. Maria nang mapagtagumpayan ang kanyang Ultimate Challenge sa Minute to Win It: Last Man Standing ng ABS-CBN-CBN.

“Ang naisip ko lang, kailangan kong matapos ‘yung game. Kailangan kong ibigay kung ano ‘yung nire-require. Hindi ko na inisip ang audience. Pumunta ako sa Minute To Win It para maglaro, mag-enjoy, ma-experience ang game. Ang expectation of winning wala sa akin, hindi ko siya naisip,” kuwento ni Jodi.

Naging kalmado at focused si Jodi sa kabuuan ng kanyang Ultimate Challenge na “Mouth to “Mouth,” na sinubok ang kanyang galing at bilis sa pagbunot ng papel na pera sa gitna ng dalawang boteng walang laman nang hindi ito nahuhulog.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nag-uwi si Jodi ng total cash prize na P1.07 million nang matalo niya si Pooh sa Head-to-Head Challenge. Ayon kay Jodi, plano niya itong ipamigay sa mga charity at foundation na matagal na niyang sinusuportahan.

Patuloy na nangunguna sa timeslot ang Minute to Win It at gabi-gabing inaabangan ng mga manonoood sa buong bansa.