max-eigenmann-copy-copy

PATI si Max Eigenmann naba-bash dahil pinangunahan daw ang kapatid niyang si Andi Eigenmann at si Jake Ejercito sa pag-announce sa tunay na pagkatao ng anak nilang si Ellie.

Ano raw ba ang gustong palabasin ni Max sa kanyang pambubuking?

May tumawag sa kanya ng “traitor” at may nagtanong ng, “Girl what have you done? You could have just left it to the real people involved. Now look what happened?”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May parang pinapa-guilty si Max sa comment na, “The real kawawa is not Andi nor Jake nor Albie... it’s Ellie. You should have thought about this a hundred times. You opened a can of worms now you want people to eat it too???

Seriously what have you done?”

Pero may nagpasalamat din sa kanyang ginawa, kaya lang, dapat daw noon pa niya ginawa ‘yun noong bina-bash at halos i-crucify si Albie Casiño dahil ayaw panindigan ang anak ni Andie.

May parang nagbiro naman kung sinabunutan na ba si Max ni Andi dahil sa kanyang ginawa na pangunahan ang parents ni Ellie na ipaalam ang kanyang pagkatao.