max-at-pancho-copy

PATI mismo si Max Collins, hinihintay ang eksenang magkakasama sila sa iisang bahay nina Tom Rodriguez at Lovi Poe sa primetime teleserye ng GMA-7 na Someone To Watch Over Me. Sigurado raw na mas marami sa viewers ang iiyak at maaawa sa mga karakter nila (Irene/Max), Joanna (Lovi) at TJ (Tom).

Biktima silang tatlo ng sakit ni TJ na early onset o maagang stage ng Alzheimer.

Ang mangyayari sa istorya, ang karakter ni Max ang maaalala ni Tom at makakalimutan si Lovi na asawa niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Magsasakripisyo si Lovi at patitirahin sa bahay nila ni Tom si Max, at dito na nga papasok ang isa sa madramang eksena ng Someone To Watch Over Me.

“Hindi pa nakukunan ang eksenang nasa iisang bahay kami, siguradong madrama ‘yun. Maganda ang experience ko working with Lovi, very raw siya umarte. Talagang umiiyak siya sa mga eksena at naaawa ako sa kanya. Mas na-i-nspired ako ‘pag kasing galing niya at kasing galing ni Tom ang kaeksena ko. Ayokong hindi ko napapantayan ang husay nila,” wika ni Max.

Si Max ang gumanap na first girlfriend ni Tom sa Someone To Watch Over Me, nabuntis siya nito at may mga kissing scene at love scene sila. 

Kuwento ni Max, para hindi nila pag-awayan ng BF niyang si Pancho Magno ang eksena, hindi na lang nito pinanood ang eksenang nakipag-kissing scene at nakipag-love scene siya.

Four years na sa October 10 ang relasyon nina Max at Pancho, wala silang matinding away dahil ang Diyos ang nasa sentro ng kanilang relasyon. Very proud na inamin ni Max na dahil kay Pancho ay naging mas malapit siya sa Diyos.

“Sana si Pancho na nga ang forever ko. I can see him in my future,” sabi ni Max.