alex-at-joseph-copy

UNANG nagkasama sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa Pure Love ng ABS-CBN three years ago. Ngayon, sa isang pambihirang pagkakataon, sa pelikula naman sila mapapanood ng kanilang mga tagahanga.

Ang laking pasasalamat nina Alex at Joseph sa Regal matriach na si Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo dahil binigyan sila ng chance na magbida sa rom-com na My Rebound Girl na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa Setyembre 28.

“I’m very thankful na nabigyan muli kami ni Alex ng opportunity, that’s why sobrang thankful ko to Regal Films, to Mother Lily and to Ms. Roselle, for giving us, you know, a wonderful opportunity to work together and siyempre, ‘dini-dedicate namin ‘tong project na ‘to sa mga supporter namin dahil kahit wala kaming project (sa TV) ni Alex, grabe lang ‘yung suporta nila sa amin,” kuwento ni Joseph nang humarap sa presscon ng pelikula kamakailan.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Siyempre, masaya po ako dahil kasama ko si Joseph,” sabi naman ni Alex. “Eh, kahit after Pure Love, tuloy pa rin ‘yung friendship namin. So, sobrang thankful namin kay Direk Emman (Emmanuel de la Cruz) sa pagsulat nito, of course, kina Mother Lily at Ms. Roselle na na-push through ito dahil sa kanila. So, thank you po.”

May paliwanag si Alex kung bakit hindi nauuwi sa relasyon ang pagsasama nila sa naturang TV series kahit aminado sila na pareho silang walang karelasyon that time.

“Hindi siya nanligaw sa akin sa Pure Love. Parang after...” na sinundan ni Alex ng tawa. “Kasi nga... well, hindi lang siguro kami nabigyan ng pagkakataon kasi nu’ng time na ‘yon parang hindi pa ako ready. Parang... kahit siya (pointing to Joseph) hindi pa iniisip na... na wala sa isip namin ‘yung relasyon. So nu’ng nabigyan kami ng time na makapagtrabahong muli, mas open na kami na ganu’n.”

Malakas ang chemistry nina Alex at Joseph, na mas nakikilala ngayon bilang SephLex, tawag sa kanila ng mga tagasuporta nila.

Sinang-ayunan naman ito ni Direk Emman.

“This movie is about finding the perfect blend. Parang naghahanap tayo ng tamang timpla. So, tingin ko ‘yung malaking ganasya ng movie, we find the right team-up. And when I worked with them, nu’ng nag-umpisa at nagwo-workshop pa lang kami, nakita ko nang... grabe ‘yung chemistry nila. And not because they’re coming from a relationship but because they are a very good actors, they will support each other and it translated in the shooting,” wika ng kanilang direktor.

“Totoo ito, kasi mahirap mag-shoot, di ba?” dugtong pa ni Direk Emman. “But if your actors are very committed, makikita mo talaga sa kanila na parang ayaw nilang magpatalbog sa isa’t isa. Grabe lang ‘yung suporta nila.”

(LITO MAÑAGO)