bea-at-ian-pls-crop-copy

Susubukan ng ABS-CBN management ang Bea Alonzo-Ian Veneracion- team up sa isang teleserye na inuumpisahan nang gawin.  

Good for Ian ang project na ito dahil hindi na siya mata-typecast as Jodi Santamaria’s leading man.

Sa kabilang banda, excited din si Bea dahil makakatambal niya ang isa sa pinakaguwapong leading man sa ngayon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Siyempre hindi naman natin hawak ‘yan,” pahayag ni Bea nang hingan ng reaksiyon sa bago niyang magiging leading man.

“What we can do is do our best all the time at ibigay ‘yung hinihingi ng proyekto. Hindi natin mapi-predict kung magugustuhan ng mga tao pero, so far, ako, I have been like looking forward to taping with Kuya Ian kasi he’s such a nice guy, fun to work with at ang guwapu-guwapo ni Kuya Ian. Sinong hindi magkaka-crush sa kanya?”        

Samantala, bukod sa bakasyon sa isang resort sa Cebu, nai-post din sa social media ang larawan nina Bea at Gerald Anderson together (again) na kuha sa Bonifacio Global City. Lalo tuloy dumami ang nagsasabing inuumpisahan na nilang mag-date pagkatapos matsismis na sila na nga.

Ang maganda, hindi katulad ng ibang celebrity si Bea na mahilig mag-deny kapag nakikipag-date. Inamin niya na totoong lumalabas sila ng aktor.

“Oo we go out. We go out naman. We’re friends. Hindi naman kami nagtatago. We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan,” sabi ng dalaga.

Sa huling photos na kumalat online, makikitang magka-holding hands sina Bea at Gerald. Pero ang very logical na sabi pa ni Bea, kung anuman ang dapat ipaliwanag tungkol sa kanila ng aktor ay hindi dapat sa kanya manggaling.

Dugtong pa ng movie queen, kung may katotohanan man sa usap-usapang namamagitan sa kanila ni Gerald, aaminin nila ito.

“Ang pangit mag-share ng mga personal. At saka pangit kasi babae ako, di ba? Kasi sa mga events ako lagi ‘yung natatanong. Kung meron man, isi-share namin. It’s not something that we would keep a secret,” sey pa ni Bea.

So, kailangang mainterbyu na ng press si Gerald. (ADOR SALUTA)