Limang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng intelligence unit ng Las Piñas City Police makaraang maaktuhang bumabatak, sa operasyon para sa “Oplan Tokhang” sa lungsod, nitong Sabado ng hapon.

Nakakulong ngayon sa himpilan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sina Arturo Tolentino, alyas “Arthur”, 49, binata; Braulio Egaya, alyas “Jing”, 42, binata, kapwa ng Medina Compound, Barangay Talon 4; Aries Dela Cruz, 24, ng Marigold Street, Bgy. Talon 4; Jose Mark Tejeresas, alyas “Enok”, 23, ng Wonderland Subdivision, Bgy. Talon Uno; at Edu Jaime, Jr. alyas “Hapon”, 32, ng Golden Acres, Bgy. Talon 4.

Sa ulat ni PO3 Marsito Torreon, dakong 5:30 ng hapon nadakip ng awtoridad ang mga suspek sa loob ng isang bahay sa Medina Compound.

Nabatid na kinatok ng mga pulis ang naturang bahay at nang hindi sia pinagbuksan ay sumilip sila sa nakaawang na bintana at nakita nila ang pot session ng mga suspek.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Nakumpiskahan ng pitong pakete ng hinihinalang shabu, isang wallet pouch at gunting, kakasuhan ang lima sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165). (Bella Gamotea0