Hindi makakatanggap ng P100,000 ang mga Filipino na may edad 100 pataas dahil walang pondong nakalaan para sa selebrasyon ng unang National Centenarians Day sa Oktubre 2.

Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, ang Filipino Centenarians Act ay naging ganap na batas noong Hunyo 23, isang Linggo bago bumaba sa pwesto si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nakasaad sa batas na makakatanggap ng personal letter mula sa Pangulo at P100,000 bilang regalo ang bawat Filipino na may edad 100 pataas.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 3,553 ang centenarians kung saan popondohan ng P355 milyon ang mga ito. Pero ang naturang pondo ay hindi nakasaad sa P129.8 bilyong panukalang badyet ng DSWD para sa 2017.

Pero ayon kay Recto, may paraan pa ito dahil ang cash gift ay maaaring kunin sa P4 bilyong pondo ng DSWD o sa contingency fund ng Pangulo.

Metro

'Ibalik sa ₱55/L!' Panibagong transport strike, ikakasa sa Abril 21

Ayon kay Recto, ang makikinabang lang sa P100,000 cash gift ay ang mga ipinanganak bago sumapit ang taong 1916.

(Leonel M. Abasola)