TAMA lang pala na hindi magmadali sina Mark Herras at Wynwyn Marquez sa pagpapakasal dahil sa isang interview kay Alma Moreno, mommy ng huli, nabanggit nito na ayaw pa niyang mag-asawa ang anak.
Hindi sa ayaw niya kay Mark para sa anak, na gusto niyang maging son-in-law dahil mabait. Ang gusto lang niya, huwag magmadali ang dalawa at i-enjoy muna ang pagiging single.
Hindi idinagdag, pero gusto siguro ni Alma na magpakasawa muna sina Mark at Wynwyn sa pagiging dalaga’t binata.
Sabagay, tuwing nai-interview, sinasabi naman ni Mark na hindi niya mamadaliin si Wynwyn dahil bukod sa nag-iipon pa siya para mabigyan ito ng magandang buhay kapag kasal na sila, alam niyang marami pa itong gustong gawin sa buhay habang wala pang asawa.
Gusto pa yatang magturo ni Wynwyn at magpatayo sa pre-school at suportado siya rito ni Mark. Walang dapat ikabahala kung ganoon si Alma, pati na rin si Joey Marquez.
Samantala, nag-renew ng kontrata sa GMA-7 si Mark at sa caption ng ipinost niyang picture sa kanyang contract signing, sabi niya, “Will always be a Kapuso! Thank you GMA for everything... salamat po sa tiwala, sa trabaho at sa pagmamahal. :) Kapuso pa din after 13 years! Thank you, Lord for blessing me everyday.” (NITZ MIRALLES)