Sinamantala umano ng isang 24-anyos na lalaki ang pagkalasing ng kainuman niyang dalagita matapos umano niyang gapangin habang nagpapahinga sa Sta. Cruz, Maynila nitong Biyernes.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Quiven Salvejo, binata, trabahador ng Huan Chai-Binondo, at residente ng Isabel Building, Fugoso Street, sa Sta. Cruz matapos siyang ireklamo ng 23-anyos na biktima na nangungupahan sa Fugoso St., Sta. Cruz.

Sa salaysay ng biktima kay SPO2 Rowena Espinosa-Albano, ng Manila Police District (MPD)-Station 3, nangyari ang panggagahasa sa loob mismo ng inuupahan niyang kuwarto, dakong 4:00 ng madaling araw nitong Biyernes.

Nauna rito, noong Huwebes ng gabi ay nagkayayaan umanong mag-inuman ang suspek, biktima at ilan nilang kaibigan sa lugar.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nang makaramdam nang antok dahil sa kalasingan ay nagpasya umano ang biktima na pumasok na sa kanyang kuwarto upang magpahinga at matulog hanggang sa naalimpungatan nang maramdamang nakakubabaw na sa kanya ang suspek.

Matapos ang panghahalay ay agad umanong nagsumbong ang biktima sa kanyang landlady at sinamahan siya ng anak nito kay Chairwoman Maribeth Pador ng Bgy. 335, Zone 33, District III upang i-report ang nangyari.

Inimbitahan naman ni Pador sa barangay si Salvejo at payapa naman umanong sumama. (Mary Ann Santiago)