GUSTONG sumunod ni Kim Kardashian-West sa yapak ng kanyang yumaong ama na si Robert Kardashian, Sr.

Sa panayam ng Wonderland magazine, nagsalita ang 35-year-old reality star tungkol sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral, at pag-enrol ng law tulad ng kanyang ama, na naging pamoso nang maging abogado ni O.J. Simpson sa double-murder case nito.

“If things slow down and I had time, I really want to go to law school,” aniya. “Just something I can do in my older age.”

Gayunman, kailangan munang kumuha ng undergraduate degree ni Kim dahil hindi na siya tumuntong ng kolehiyo nang magtapos siya sa Marymount High School, isang all-girls school sa Los Angeles, California. Sa katunayan, tanging si Kourtney Kardashian lang sa anim na anak ni Kris Jenner ang mayroong college degree.

Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?

Dati nang ipinahayag ni Kim ang kagustuhan niyang maging aktibo rin sa ibang larangan.

“I would be a forensic investigator and live a normal life,” aniya sa June issue ng Vogue Australia. “I’m gonna be that annoying, pushy mom and say I want to live vicariously through my kids and have them be a forensic investigator.”

Dagdag niya, “I’ve always been into the most morbid things. I was really nosy when my dad was working on the O.J. trial, and I would look through all his stuff, and I just wish I was in that field.”

Habang nangangarap si Kim ng ibang career path, nang kausapin siya ng ET makaraang magtapos ng 8th grade, handang-handa ang star ng Keeping Up With the Kardashians sa limelight. “Does everyone get a tape of this?” tanong niya. “I hope you do so you can see me when I’m famous and remember me as this beautiful little girl!” (ET Online)