daniel-copy-copy

MULI mang nabuhay ang Pottermania, dulot ng nalalapit na spinoff film ng Harry Potter na Fantastic Beasts and Where To Find Them at ang patok na London play, ang pahayag ni Daniel Radcliffe ay hindi siya interesado na muling gumanap sa kanyang role bilang boy wizard.

Ang sagot ni Daniel, 27, nang tanungin tungkol sa mga espekulasyon na magkakaroon ng movie version ang London play na Harry Potter and the Cursed Child, ay wala pang nakikipag-usap sa kanya tungkol dito.

“Nobody has said anything to me about... revitalizing the films, so I don’t know,” ani Daniel sa Reuters sa London noong Biyernes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“It’s not something I think I’d be interested in, and also if they do it now I feel they should just cast the people from the play,” saad ni Radcliffe, na 11-anyos lamang nang gumanap bilang Potter.

Nasa London si Daniel para pangunahan ang tatlong araw na entertainment festival of films and family activities, kabilang sa screening ang kanyang dalawang indie movie na Swiss Army Man at Imperium. (Reuters)