alex-at-joseph-copy-copy

TUMODO nang husto sina sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa My Rebound Girl, ang biggest acting break nila sa big screen, na mapapanood na sa Setyembre 28.

Walang alinlangan ang mga lambingan na ipinakita nila sa pelikula. Wagas na wagas at totohanan na ang dating. Kaya lalong umapaw ang magic at chemistry nila na nagsimulang lumutang nang gawin nila ang TV series na Pure Love. Kaya mahigit isang milyong views agad ang hinamig nang ilabas sa social media ang trailer nila.

Maging sa mall shows, hindi scripted ang lambingan onstage nina Alex at Joseph. Kilig na kilig at kyut na kyut ang harutan nila kaya maugong ang tsismis na nagkakamabutihan na silang talaga.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nag-swak ang magkaibang image nila. Kiti-kiti, kikay at feeling maharot ang dating ni Alex, tahimik at seryoso naman si Joseph. Magkaiba ang personalidad pero may dating na kilig na hindi pilit.

Bukod sa mall shows, nasaksihan din nang personal ng fans ang tamis ng tandem nina Alex at Joseph nang maging service crew sila ng ilang sa KKK (Kanya-Kanyang Kape) coffee shop sa Maginhawa St., lutang na lutang ang maganda nilang samahan. Si Alex ang kumukuha ng order na kape at si Joseph naman ang nagsisilbi sa mga kustomer.

Komo nga coffee ang background ng kanilang love story sa MRG, para kay Alex, isang kapeng barako ang dating ng leading man.

“Matapang pero kapag nilagyan mo ng maraming brown sugar, lumalabas ang ka-sweet-an!”

Para naman kay Joseph, cappuccino ang dating ni Alex dahil matamis na ay marami pang cream.

Naudlot man ang napipintong relasyon nina Alex at Joseph nang magtambal sa telebisyon, sa MRG, walang dudang dumating na ang tamang panahon upang sila ay magkaroon na ng relasyon.

Damhin ang pait at tamis na dala ng pag-ibig sa My Rebound Girl.