untitled-1-copy

Kumpiyansa ang Philippines’ longest reigning world champion na si Donnie ‘Ahas’ Nietes na makakamit nito ang importanteng panalo na makapagbibigay sa kanya ng mas malalaking laban matapos ang “Pinoy Pride 38 – Philippines vs Mexico” sa StubHub Center sa Carson, California.

Ito ay matapos makapasa na Nietes (38-1-4 win-loss-draw record) sa isinagawang weigh-in para sa kanyang makakaharap na si Edgar Sosa (52-9-0) para sa bakanteng WBO Inter-Continental Flyweight Title.

Asam ni Nietes ang posibleng paghamon sa WBO/WBA flyweight champion na si Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Kapwa din mapapasabak sa undercard ang nagbabalik sa ring na sina ‘King’ Arthur Villanueva at Mark ‘Magnifico’ Magsayo.

Si Villanueva (29-1-0, 15KO), na nagawang magwagi sa WBO Asia-Pacific bantamweight title kontra Juan Jimenez (22-10-0, 15KO) ng Mexico noong Mayo 28 sa Bacolod City, ay inutusan ng WBO para sa rematch kay Jimenez matapos ang biglaan at sorpresang pagtatapos sa kanilang laban sa 21 segundo ng 4th round.

Nakataya sa laban ni Villanueva ang WBO Asia Pacific Bantamweight title.

Matatandaan na sa nasabing laban, pinatumba ni Jimenez si Villanueva sa ikalawang round mula sa six-punch combination subalit nakabawi si Villanueva sa third nang pabagsakin si Jimenez sa kanang suntok.

Muling nagkadikitan ang dalawa sa 4th round matapos mahuli ni Villanueva si Jimenez sa lubid at magtama ang kanilang ulo na nagpatumba kay Jimenez at manatili sa canvas sa mahabang panahon. Dahil dito ay nagpasiya ang referee n si Dan Nietes nai-counted out si Jimenez.

Si Magsayo (14-0-0, 11KO), na tinalo ang dating world title challenger na si Chris Avalos ng California sa anim na rounds noong Abril sa Cebu, ay idedepensa ang kanyang WBO International featherweight title Kontra Ramiro Robles (13-5-1).