brad-angelina-at-marion-copy-copy

ITINANGGI ng French actress na si Marion Cotillard nitong nakaraang Miyerkules ang kanyang pagkakasangkot sa hiwalayan ng Hollywood power couple na sina Angelina Jolie at Brad Pitt, humiling na matagpuan ng dalawa ang kapayapaan, at kinumpirma ang pagbubuntis sa anak nila ng kanyang long-time partner.

Nag-post si Cotillard, 40, sa kanyang official Instagram page pagkaraan ng isang araw simula nang magsampa ng divorce si Jolie kay Pitt, sa gitna ng mga bali-balita na may romansang namamagitan kina Cotillard at Pitt.

Bida sina Pitt at Cotillard sa Allied, isang war drama na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi ng Oscar-winning French actress na ang kanyang pahayag ay ang tanging maikokomento niya sa “whirlwind news that broke 24 hours ago and that I was swept up into.”

“As this situation is spiraling and affecting people I love, I have to speak up. Firstly, many years ago, I met the man of my life, father of our son and of the baby we are expecting. He is my love, my best friend, the only one that I need,” ani Cotillard, na ang tinutukoy ay ang French actor na si Guillaume Canet.

Tinapos niya ang kanyang pahayag sa: “I do very much wish that Angelina and Brad, both whom I deeply respect, will find peace in this very tumultuous moment.”

Nabanggit ang pangalan ni Cotillard sa ilang balita habang pilit na naghahanap ng kasagutan ang media at fans kung ano ang naging dahilan ng biglaang paghihiwalay na isa sa mga most visible couples ng Hollywood, na kilala dahil sa kanilang magandang mukha, at matagumpay na mga pelikula at adbokasiya.

Sina Jolie, 41, at Pitt, 52, kinilala at binansagan ng tabloid press at gossip sites bilang “Brangelina,” ay nagpakasal noong 2014 makaraang magsama sa loob ng isang dekada at nagkaroon ng anim na anak. (Reuters)