eric-quizon-2-copy-copy

BALITANG si Eric Quizon ang isa sa magiging directors sa Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa ating bansa sa January 2017. Isang segment na may kinalaman sa charity ang nakatoka kay Eric

“Wala pang final sa discussion,” pahayag ni Eric. “Pinag-uusapan pa namin but definitely because we’re trying to focus on the charity works, mas may focus doon sa anggulo ng charity (ang hahawakan niya).”

Bukod sa Miss U event, naitanong din kay Eric ang ilang update sa iniwang yaman ng kanyang Tatay Pidol (Dolphy).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kung ano man ang nangyayari sa estate, all the heirs alam nila lahat; it has to be agreed upon by everyone. Hindi p’wede na ako lang ang magdesisyon, so ang maganda kung d’yan lahat kami nagkakaisa sa mga nagiging desisyon so far which is good.

“My dad has been dead for three years. Maraming on hold, marami mga transaction na ‘di natupad pero right now okay naman lahat. Ang magagandang transaction ko for the family, for the estate natutupad naman lahat.”

Ipinagmalaki ni Eric na matutuloy na ang isang malaking project na magbibigay-pugay sa kanyang ama bilang haligi ng local entertainment scene.

“Basically we’re doing a joint venture with a company and we’re calling it DolphyVille and it has something to do with real estate. Malapit na ‘yun. Lahat ng request ng family like ‘yung museum plus other things matutupad siya,” pagtatapos ni Eric. (ADOR SALUTA)